Lunes, Marso 14, 2016

 

TULA

 
Ayon kay Alfred Austin:
Ang tula ay isang tuwirang pagbabagong-hugis sa buhay; na sa ibang pananalita, ito ay isang maguniguning paglalarawan, na nakakalupkupan ng kariktan sa pamamagitan ng mga sukat ng taludtod, na tahasang nadarama, dinaramdam, iniisip, o ginagawa ng tao.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Wika ni Edgar Allan Poe:
Ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng namumukod na kagandahan.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
Ani ni John Ruskin:
Ang tula ay tahasang pagpapahiwatig, sa tulong ng guniguni at nag-aalimpuyong gunamgunam, at matibay na saligan para sa mararangal na damdamin. Na ang ibig kong ipakahulugan sa marangal na damdamin ay ang apat na pangunahing nagdudulot ng simbuyo ng kalooban na gaya ng Pag-ibig, Paghanga, Pagsamba na ang kasalungat: Pagkamuhi, Pag-kapoot, Pagkasindak, at hindi madalumat na kalungkutan.


 
 
 
 
 
Pahayag ni Charles Mills Gayley:
Ang tula ay isang pagbabagong-anyo sa buhay, o isang paglalarawan ng buhay na ang kagandahan ay hinahango sa guniguni na pinaparating o inihahatid sa ating mararangal na damdamin at ipinahayag sa pamamagitan ng masinop ng pangugusap at nag-aagkin ng namumukod na kariktang pinatitingkad ng tumpak na aliw-iw, na lalong gumaganda kung gumagalaw sa mga may sukat.

 

 




Ayon kay Percy Bysshe Shelley, ang panulaan ay instrumento ng ng guni-guni.




 

HALIMBAWA NG TULA 



ANG PAGLALAKBAY

ni Jane Fatima M. Montoya

Isang pangarap lang na ika'y mapuntahan
Hindi inakalang ika'y mamamasdan
Angking kagandahan aking nasaksihan
Wala nang iba kundi ikaw PALAWAN.

Hampas ng mga alon ay aking tinawid
Maging ang paglipad sa himpapawid
Bituka ko na'y tila buhol na lubid 
Upang tanawin mo'y akin lang mamasid.

Malinaw na tubig sa dalampasigan
Na humahaplos sa puting buhanginan
At mga batong nagsisipagtaasan
Lahat makikita, tatak El Nido yan.

Sa Puerto Prinsesa iyong makikita
Underground River na pinaka kilala
Pormasyon ng bato sa loob ng kweba
'Pag nakita mo tiyak mamamangha ka.

Pagpasok ng bangka kami ay nabigla
Kalahi ni Batman sa amin ay bumulaga
Ingat lang 'wag kang masyadong titingala
Baka ihi nito'y sa mukha mo tumama.

Ang kaninag kaba na aking nadama
Sa kalauna'y napalitan ng tawa
Dahil kay Manong cave guide na napakasigla
Sandaling malilimutan iyong problema.

Seven Wonders of the World siya'y nabansagan
Proud akong sabihing "I explored Palawan"
Sa susunod anong lugar naman aking pupuntahan
Sa France, Santorini, Korea o Japan?




https://web.facebook.com/janefatima.montoya/videos/1180406371986973/



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento